Bakit ka malungkot
Ikaw ba ay nababagot
O kagabi ba’y binangungot
Noo mo ay nakakunot
Likod mo nakabaluktot
Lumingon ka nga sa iyong likod
May nakatingin, yung bungal at panot
Ang sarap tumawa
Halika kaibigan
Sama ka sa amin, dito ka
Tawa tayo nang magdamagan
Kwento ka naman dyan
Makikinig ako peksman
Kahit pa yan ay kwentong ewan
Asahan mong di kita pagtatawanan
Wag ka nang humikbi kaibigan
Lapit ka at ika’y tutulungan
Uyyy, ngingiti na yan
Ang sarap tumawa
Halika kaibigan
Sama ka sa amin, dito ka
Tawa tayo nang magdamagan
Buhay ay sadyang mapaglaro
Maging matibay ka, wag magpapatalo
Kung tingin mo ay lahat manloloko
Meron namang maraming tulad ko
Mabait, tapat at seryoso
At sympre nariyan ang Diyos ko
Na Ama ko, Ama niya at Ama mo
Oh diba and sarap tumawa
Mabuti at lumapit ka kaibigan
Sama-sama tayo, dito ka
Tawa tayo buong magdamagan
//kuy 040511
No comments:
Post a Comment