Barbie Doll
Na na na na na na na…..
Gusto ko, gusto ko
Gusto kong maging ikaw
Gusto ko, gusto ko
Beauty mong umaapaw
Perpekto ang iyong hugis
Kutis mo ay napakakinis
Lahat ng kanais-nais nasa iyo na
Mamigay ka naman ng iyong ganda
Mga lalake ay mapapalingon
Pati tamad mapapabangon
Isang matamis na ngiti galing sa’yo
Marami ang magkakagulo
Gusto kong maging ikaw
Mukha mo, sa salamin ay matanaw
Gusto kong maging tulad mo
Nang maranasan kong maging idolo
Mga lalake hindi magkanda-ugaga
Sa paghabol sa iyo, magandang dalaga
Sa may inyo, buhol-buhol ang trapiko
Kelan kaya mangyayari yan dito
Ang makapiling ka ay isang panaginip
Kelan kaya ako magiging ganyan, ako ay naiinip
Lahat gagawin nila, Miss Maganda
Para lamang masilayan ka
Gusto kong maging ikaw
Mukha mo, sa salamin at matanaw
Gusto kong maging tulad mo
Nang maranasan kong maging idolo
//kfl 081111
No comments:
Post a Comment